Fish

Friday, January 20, 2012

Mga Huwarang Bayani Ng Bansang Pilipinas

Mga Huwarang Bayani

Lapu-lapu
Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila. Pinamumunuan ni Magallanes ang unang pangkat ng mga Kastilang nagtangkang sumakop sa kapuluan. Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa pulo ng Mactan, magiting na ipinagtanggol ni Lapulapu at ng kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si  Magallanes sa labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapu-lapu ng bansa.
 Ang mga magulang ni Lapu-lapu ay sina Kusgano at Inday Putti ngunit walang naitala tungkol sa kapanganakan ni Lapu-lapu. Si Lapu-lapu ay nagpakasal kay Prinsesa Bulakna na anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Sawili. Si Lapu-lapu ay talagang may matigas na puso at matibay na paninindigan bilang isang pinuno ng Mactan. Isang patunay na rito ang pagtanggi niya sa mga magagandang alok ni Magellan. Ang pagbibigay ng magandang posisyon at pagkilala kay Lapu-lapu ang ilan lamang sa mga alok ni Magellan ngunit kapalit nito ay ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang masasakupan. Ngunit katulad ng aking nabanggit ito ay kanyang tinanggihan na siyang ikinagalit ni Magellan.I
sa sa mga  anak na lalaki ni Datu Zulu ay kaaway ni Lapu-lapu. Itong nakipagkasundo kay Magellan. Dito binuo nila ang paglusob sa bayan ng Mactan. Hatinggabi ng Abril 26 nang si Magellan kasama ang kaniyang mga kapanalig na higit pa sa isang libo ay naglayag upang sakupin ang Mactan. Si Lapu-lapu ay nakahanda rin sa paglusob ni Magellan, kasama rin ang 1500 na mga mandirigma. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Natalo ni Lapu-lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti at sa huli ay pinatay ni Lapu-lapu si Magellan.

Jose Rizal
Si Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.
Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang siya nang matutong bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat na may mga alpabeto at dasal. Kinagigiliwan niyang makinig sa kanyang ina habang tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid.
                      MAITUTURING na nagmula sa may kayang pamilya ang ating pambansang
bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang kanyang amang si Don Jose ay isang
magsasaka ng tubo, at katiwala ng malawak na lupain. Samantalang ang
kanyang inang si Donya Teodora ay may mataas na pinag-aralan na bihira sa
kababaihan noong panahong iyon.
        Ang pamilya Rizal ay nakatira sa kongkretong bahay na may malawak na
hardin, pribadong aklatan, kung saan matatagpuan ang daan-daang
kolek-siyon ng aklat. Bagaman at maraming kapatid na babae si Jose o
Pepe na maaaring mag-alaga sa kanya, kumuha pa ang kanyang ama ng
yaya na siyang nag-alaga sa kanya.
       Si Donya Teodora naman ang sumubaybay sa panimulang edukasyon ng
batang Rizal. Tinuruan niya itong magbasa, magdasal, at magrosaryo.
Kalaunan ay kumuha rin ng pribadong tagapagturo ang kanyang mga
magulang para magturo sa pagbabasa, pagsulat, gayundin sa pag-aaral ng
Latin.
      Dahil sa pagkakaroon ng maraming aklat sa bahay at paghikayat ng kanyang
mga magulang kung kaya't labis na nagkahilig ang batang si Pepe sa higit
pang pag-aaral at pagkatuto hanggang sa mga huling bahagi ng kanyang
buhay. Siyam na taong gulang si Jose nang dalhin siya ng kanyang ama sa
Binan, Laguna, upang ipagpatuloy ang kanyang pormal na pag-aaral.
       Hindi maganda ang karanasan ni Rizal sa paaralang iyon, anupa't naisulat
niya sa kanyang tala-arawan ang pagkakatanggap ng palo mula sa kanyang
guro na may istriktong pamamaraan ng pagtuturo. Sa kabila ng kanyang
pagiging mabuting bata, bihira ang araw na hindi napapalo ang kanyang mga
palad.
       Ayaw ni Rizal sa gayong paraan ng pagtuturo, at ito ay nabanggit niya sa
kanyang nobelang Noli Me Tangere, na tumutukoy sa hindi magandang
epekto ng ganoong paraan sa asal at isipan ng mga bata. Aniya, imposible
ang makapag-isip nang maayos sa harap ng patpat na pamalo at latigo, at
matatakot maging ang isang batang matalino.
       Noong 1872, nagpatala si Rizal sa Ateneo Municipal para sa digri sa Batselor
sa Sining. Ang kakaibang espiritu ng kumpetisyon at personal na disiplina ay
nagpaibayo sa panibagong interes para siya ay lalong pang matuto.
       Ang kanilang klase ay hinati sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay tinawag
na Romano samantalang ang ikalawa ay tinawag na Carthaginian. Ang mga
miyembro ng grupo ay inihahanay sa kanilang tagumpay sa kanilang
pang-araw-araw na leksiyon.
       Nagsimula si Rizal sa grupong Carthaginian na nasa hulihan ng talaan, pero
makaraan ang isang buwan, siya ay tinanghal na emperador at ginawaran ng
estampita. Nagtamo rin siya ng mga medalya at pagkilala dahil sa kanyang
termino at nananatiling tumatanggap ng markang pinakamahusay sa halos
lahat ng kanyang mga aralin.
       Nang lumaon ay nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas
kasabay ng pag-aaral niya ng surveying sa pagtuturo ng mga Heswita. Nang
siya ay 17 taong gulang ay nagtungo siya sa Espanya upang mag-aral sa
Universidad Central de Madrid. Noong 1885 ay pareho niyang natapos ang
kursong medisina at pilosopiya.
       Dahil sa espiritu ng liberalismo sa Europa kaya't mas lumawak ang kanyang
interes. Nag-aral siya ng iba't ibang lengguwahe, naglakbay sa maraming
bansa, kasabay ng kanyang aktibong kampanya para sa reporma sa
Pilipinas. Isinulat niya ang isa pang nobela, ang El Filibusterismo at nagsalin
ng Sucesos de las Islas Filipinas, kung saan kanyang itinuwid ang mga
pagkakamali sa nakatalang kasaysayan ng Pilipinas. Nagbigay din siya ng
mga kontribusyon sa La Solidaridad, ang pahayagan ng mga repormistang
Pilipino sa Espanya.
       Nang siya ay magbalik sa Pilipinas noong 1892, ipinatapon siya sa Dapitan
ng pamahalaang Espanyol, dahil sa umano'y pag-iingat ng mga subersibong
papeles. Papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang boluntaryong doktor
nang sumiklab ang rebolusyon sa Pilipinas. Hinuli siya at kinasuhan ng
rebelyon at sedisyon.
       Noong Disyembre 3, 1896, binaril siya sa Luneta. Ayaw ni Rizal na barilin
siya nang nakatalikod kagaya ng isang traydor, pero hindi pinayagan ang
kanyang hiling na barilin na nakaharap sa firing squad. Sa oras ng
eksekyusyon, nang marinig ni Rizal ang mga putok, ay ipinihit niya ang
kanyang katawan. Bumagsak siyang patihaya, paharap sa sumisikat na araw
sa umagang iyon ng Disyembre - kagaya ng isang kagalang-galang na tao na
dapat na pagkilala sa kanya. 

Apolinario Mabini
Isang napakatalinong tao at may napakatibay na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng Himagsikan.
 Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.
            Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.         
           Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.
          Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.
          Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.
          Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.
         Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.
     Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.
  

Emilio Aguinaldo
Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng Unang Rebolusyonaryong Republika ng Pilipinas. Sa kanyang tahanan unang itinaas ang bandila ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ito ang araw nang ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas mula sa España.

 




Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan. Ang Katipunan ay ang samahan ng mga Katipunero. Ang mga Katipunero ay ang mga Pilipinong lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng sandata o himagsikan. Gusto nilang maging malaya ang mga Pilipino mula sa España.
 Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.
Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho 
Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.

andres the great plebian image    Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo. 
Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.
Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito:
        " Andres Bonifacio Matapang na Tao...."


Melchora Aquino
Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang Sora. Tinulungan niya ang mga Katipunero. Binigyan niya sila ng pagkain at tirahan. Inalagaan pa niya ang mga may sakit at sugatang Katipunero. Isa iyang matapang na Pilipino.
         Ang̃ pagúukulan ko ng̃ayón nitóng̃ maigsíng̃ ulat, giliw na bumabasa ay isáng̃ babaing̃ hindî man lamang̃ nakasapit ng̃ mg̃a pintuan ng̃ Páaralán, kaya't tahás na masasabing̃ dî lamang̃ sa mg̃a Páaralán nátututuhan ang̃ pagibig sa Tinubuang̃ Lupà.
Si aling̃ Sora ay isáng̃ likás na mapagmasakít sa alin mang̃ bagay na ukol sa sarili.
         Si aling̃ Sora, gaya ng̃ tuwî na'y itinawag sa kanyá ng̃ mg̃a Katipunan ay nagíng̃ isáng̃ tunay na ináng̃ takbuhan niyaóng̃ nang̃aghimagsík at nagtayâ ng̃ buhay sa ikalalayà natin.
Ang̃ kanyáng̃ dulang̃ ay laging̃ may hain, at ang̃ mahigít na isáng̃ libong̃ Katipunan na naglisaw sa Balintawák na naghíhintáy ng̃ isáng̃ hudyát upáng̃ ang̃ talibóng̃ ay ipakipagping̃kian sa mg̃a «reming̃ton» at «mauser», upáng̃ sa pamamagitan noón ay lutasin ang̃ usapín ng̃ atíng̃ bayang̃ nasusukuban at ináalipin ng̃ kapuwâ bayan, ay nakatagpô kay aling̃ Sora ng̃ isáng̃ ináng̃ mapagkupkóp. Sumiláng̃ si Tandáng̃ Sora sa Balintawák niyaóng̃ taóng̃ 1812.
         Ang̃ ganitóng̃ gawáng̃ kapuripuri ay pinarúrusahan noón ng̃ parusang̃ kamatayan, kayá't lubháng̃ kagilágilalás na ang̃ isáng̃ hang̃ál na gaya ni tandang̃ Sora, ay huwág sagián ng̃ takot at bagkús nagibayo ang̃ tápang̃ at páng̃atawanan at waláng̃ pang̃iming̃ winaldás ang̃ kanyáng̃ kaunting̃ natitipong̃ palay sa kanyáng̃ mg̃a bang̃án, gayón din ng̃ salapíng̃ patí na sa ikapitóng̃ buhól halos ng̃ taguan ay pawang̃ tinunaw.
        Ang̃ ganitóng̃ gawâ ni tandáng̃ Sora ay hindî nálihim sa mg̃a tiktík ng̃ Pámahalaáng̃ kastilà, kayá't siyá'y ipinadakíp pagdaka at sa bisà ng̃ isáng̃ utos ni Henerál Polavieja niyaóng̃ 1897, siyá ay ipinatapon sa Monjuich. Dî man lamang̃ iginaláng̃ ang̃ kanyáng̃ katandaán at pagkababai.
Pinalad pa rin siyáng̃ makabalík digmaan at matahimík siyáng̃ namatáy sa kanyáng̃ táhanan sa Balintawák, Kalookan, poók na nakásaksí ng̃ lalong̃ pinaká maning̃níng̃ na dahon ng̃ ating̃ kasaysayan.
Kung̃ si Gat Bonifacio ay nabubuhay at makapagsásalitâ ng̃ náúukol kay tandáng̃ Sora, disin ay nakábasa tayo ng̃ isáng̃ magandáng̃ halimbawà sa kanyáng̃ iuulat na dîsapalà ay pawang̃ papuri sa babaing̃ itó na siyáng̃ tunay na «Iná ng̃ mg̃a Katipunan.»
         Ang̃ mg̃a salitáng̃ «kumain ka na ba kapatid» at isáng̃ ng̃itíng̃ namamalayláy sa kanyáng̃ mg̃a labì ay tila nákikinitá ko pa hang̃gang̃ ng̃ayón. Ang̃ mg̃a salitáng̃ yaón ay siyá niyáng̃ bati at panalubong̃ sa waláng̃ patláng̃ na mg̃a katipunang̃ sa maghapon halos at sa loób ng̃ mahigit na dalawáng̃ buwán ay kanyáng̃ kinailang̃ang̃ parang̃ mg̃a tunay na anák.
Tinawag sa sinapupunan ni Bathalà niyaóng̃ iká 2 ng̃ Marzo ng̃ taóng̃ 1919, sa gulang̃ na isáng̃ daan at pitóng̃ taón.
         Ang̃ kanyáng̃ bankáy ay iniwi ng̃ mg̃a «Labí ng̃ Hímagsíkan» na siyáng̃ nang̃asiwà sa paghahatíd sa kanyáng̃ hulíng̃ táhanan.


Mga Di-kilalang Sundalo
Libu-libo ang mga di-kilalang sundalong Pilipino. Inialay nila ang kanilang buhay sa pagsisilbi para sa Inang Bayan at mga kababayan. Nagbuwis sila ng buhay dahil sa pagmamahal nila sa bansa. Ang kanilang kagitingan ay idinambana sa mga puso ng lahat ng Pilipinong mapagmahal sa kalayaan.
Sila ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipino. Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan.


No comments:

Post a Comment